^

Bansa

Mga Pinoy unang bigyan ng trabaho bago banyaga – Gatchalian

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy unang bigyan ng trabaho bago banyaga � Gatchalian
Sinabi ni Sen. Win Gatchalian na bago bigyan ng kahit anong “preferential treatment” ang mga manggagawang banyaga sa flagship projects ng gobyerno, dapat mga unemployed na mamamayan muna na naapektuhan ng economic impact ng COVID-19 pandemic.
Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Win Gatchalian na dapat protektahan at unang itaguyod ng gobyerno ang interes ng mga walang trabahong Filipino sa pagbubukas ng job market kaysa sa mga banyaga.

Sinabi ni Gatchalian na bago bigyan ng kahit anong “preferential treatment” ang mga manggagawang banyaga sa flagship projects ng gobyerno, dapat mga unemployed na mamamayan muna na naapektuhan ng economic impact ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa gitna ng plano ng gobyerno na payagan ang pagpasok ng mas maraming manggagawang banyaga para magtrabaho sa mga flagship projects ng pamahalaan.

Nauna rito, inihayag ng Malacañang na hiniling ng mga iba’t ibang foreign embassy na luwagan ang travel restrictions ng bansa para sa mga foreign workers.

Ipinunto rin ni Gatchalian na may 7.3 million na magagaling at masipag na Pilipino ang walang trabaho at nagbabakasakaling makahanap ng trabaho, base sa April 2020 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Iniulat din ng PSA na ang unemployment rate ng mga trabahador na may irregular jobs ay tumaas din ng 18.9% o 6.4 milyon noong Abril ng 2020 mula 5.6 milyon noong Abril 2019.

Ayon kay Gatchalian, kailangan bigyang halaga ng gobyerno ang pagbalik ng mga unemployed na Pilipino sa labor market upang makatulong na suportahan at mapasigla ang ekonomiya.

“Dahil maraming Pilipino ang walang trabaho, ibig sabihin nito ay mas kakaunti ang umiikot na pera sa ating ekonomiya. Kaya mahalaga na mabigyan kaagad ng trabaho ang ating mga kababayang nawalan ng hanapbuhay kung gusto nating makaahon sa kahirapan dulot ng pandemiya,” diin ng senador.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with