^

Bansa

Religious gatherings ok na sa MGCQ

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Religious gatherings ok na sa MGCQ
“Mabuting balita sa mga gusto nang magpunta sa simbahan. Kahapon po sa mga lugar na MGCQ pa lamang, pupuwede na pong magkaroon ng mass gatherings para sa religious purposes. Pero po hanggang 50% lamang ng sitting capacity,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emer­ging Infectious Diseases sa inilabas ng Resolution No. 43 ang religious mass gatherings pero hanggang 50% capacity lamang.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang anunsiyo sa televised press briefing sa Davao City.

Pero agad ding nilinaw ni Roque na sa mga lugar na sakop ng modified general community quarantine (MGCQ) pa lamang maaaring magkaroon ng mass gathrerings para sa religious purposes na 50% ang capacity upang matiyak ang social distancing.

“Mabuting balita sa mga gusto nang magpunta sa simbahan. Kahapon po sa mga lugar na MGCQ pa lamang, pupuwede na pong magkaroon ng mass gatherings para sa religious purposes. Pero po hanggang 50% lamang ng sitting capacity,” ani Roque.

Ang MGCQ ay ang mas maluwag na uri ng quarantine kumpara sa general community quarantine.

Halos lahat ng lugar sa bansa ay nasa MGCQ na maliban na lamang sa Metro Manila, Pangasinan, Caga­yan Valley, Central Luzon, Central Visayas, Davao City, at Zamboanga City na nasa ilalim ng GCQ simula noong Hunyo 1.

Maaari ring magpatupad ng dagdag na mga protocols ang pamunuan ng mga simbahan at mga religious groups para sa dagdag na kaligtasan ng mga miyembro.

vuukle comment

MASS GATHERING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with