La Union, niyugyog ng lindol
LA UNION , Philippines — Niyugyog ng malakas na lindol na may magnitude 5.2 ang La Union kahapon ng ala- 1:17 ng hapon kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig ay naitala sa may 017 kilometro ng hilagang kanluran ng San Fernando, La Union.
Ayon sa Phivolcs, may 057 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol at tectonic ang ugat ng pagyanig.
Bunga nito, naramdaman ang pagyanig sa lakas na Intensity 4 sa San Fernando, Caba at Balaoan, La Union; Labrador at Bolinao, Pangasinan; Dagupan City.
Intensity 3 ang naramdaman sa Urdaneta City at Villasis, Pangasinan; Baguio City; Quezon City; Marikina City; Obando, Bulacan
Intensity 2 sa - Cainta, Rizal; San Fernando, Pampanga; Valenzuela City; Navotas City; Pasay City; Paranaque City; Maynila; San Jose Del Monte, Bulacan
Wala namang ulat ng damage sa naganap na lindol pero inaasahan ang aftershocks.
- Latest