^

Bansa

Paggamit ng hydroxychloroquine ititigil na ng DOH

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Susundin ng Department of Health ang payo ng World Health Organization (WHO) na itigil ang paggamit ng hydroxychloroquine matapos lumabas sa pag-aaral na pwedeng tumaas ang tiyansa na mamatay ang pasyente.

Inanunsyo noong Lunes ng DOH na pansamantalang sususpindihin nila ang paggamit ng hydroxychloroquine mula sa multi-country Solidarity Trial nito.
Ang nasabing droga ay orihinal na ginawa para sa paggamot ng malaria. Isa ito sa mga pinag-aaralan ng iba’t ibang bansa bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi na ibibigay ang nasabing gamot sa mga COVID patients. “We follow WHO guidelines on this because this is the WHO Solidarity Trial. In fact, this morning nagpalabas na po ng sulat ang ating proponent at pinadala sa aking opisina na sinasabi na po nila na we are pulling out and we are stopping from giving this hydroxychloroquine to our patients because of WHO’s advice,” sabi ni Vergeire.

Sa isang pag-aaral na nailathala ng “The Lancet” nakasaad na ang droga ay maaaring malagay sa pa­nganib ang buhay ng mga pasyente.

Sinabi ni Vergeire na hindi nila pwedeng isapubliko ang resulta ng pag-aaral na isina­gawa rito sa Pilipinas dahil ito ay nasa clinical trial phase pa lang.

vuukle comment

MARIA ROSARIO VERGEIRE

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with