^

Bansa

Pambili ng COVID-19 vaccine, inihahanda na ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pambili ng COVID-19 vaccine, inihahanda na ni Duterte
Ayon sa Pangulo, marami ng bansa ang naghahabulan para madiskubre ang vaccine at kailangang may pondo ang gobyerno upang makabili nito.
Philstar.com/ File

MANILA, Philippines  — Naghahanap na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte nang mapagkukunan ng pondo upang ipambili ng COVID-19 vaccine sakaling madiskubre na ito.

Ayon sa Pangulo, marami ng bansa ang naghahabulan para madiskubre ang vaccine at kailangang may pondo ang gobyerno upang makabili nito.

“Many countries are on the verge of --- lumalapit na sila, malapit na sila sa vaccine. Naghahabulan. But from the --- judging from the time the COVID started up to now, I’m sure that they have made a lot of progress in finding the vaccine. Naka­hanap na sila. Kailangan may pera ako niyan kasi bili kaagad tayo,” sabi ni Duterte.

Nauna rito, sinabi ng Pa­ngulo na hindi mawawala ang COVID-19 hanggat walang nadidiskubreng bakuna.

Maaari naman anyang mangutang ang gobyerno kapag madiskubre na ang vaccine.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kapag nadiskubre na ang vaccine, ang mga kaya namang magbayad ay dapat lamang magbayad pero maaari namang sagutin din ng PhilHealth.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with