^

Bansa

ABS-CBN humingi na ng TRO sa SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN humingi na ng TRO sa SC
Sa 46-pahinang petition for certiorari and prohibition, hiniling ng media corporation sa SC na balewalain ang CDO at magdeklara ng permanenteng ‘injunction’ laban sa implementasyon nito.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pormal nang hiniling ng ABS-CBN Corp. sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa ‘cease and desist order’ na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa 46-pahinang petition for certiorari and prohibition, hiniling ng media corporation sa SC na balewalain ang CDO at magdeklara ng permanenteng ‘injunction’ laban sa implementasyon nito.

Katwiran ng ABS-CBN, nagkaroon ng ‘grave abuse’ ang NTC nang magpalabas ng CDO sa halip na hayaan ang Kongreso na mag-isyu ng ‘provisional authority’ para mahayaan silang makapag-operate habang nakabinbin ang kanilang aplikasyon sa renewal ng prangkisa.

Nilabag umano ng NTC ang kanilang kara­patan para sa patas na proteksyon sa batas at due process nang mag-isyu sila ng CDO nang walang notice sa kanila at pagdinig. Dati naman umanong pinapayagan ng NTC ang ibang broadcast network na mag-ope­rate habang naka-aplay ang kanilang renewal.

Iginiit rin nila na ang pagpapatigil ng kanilang operasyon ay isang pag­labag sa kalayaan sa pamamahayag at sa karapatan ng publiko sa impormasyon habang magkakaroon ng masamang epekto sa libo-libo nilang empleyado kung hindi mapipigil ang CDO.

vuukle comment

ABS-CBN

CDO

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with