^

Bansa

2 paslit patay sa diarrhea

Rhoderic Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bata ang nasawi dahil sa dehydration habang nasa 42 iba pa ang nagtatae at nagsusuka sa Bongo Island na bahagi ng Parang, Maguindanao.

Sa ulat mula kay BARMM Health Minister Saffrulah Dipatuan, na bukod sa COVID-19 ay mahigpit din nilang tinututukan ang diarrhea ourbreak sa lugar.

Sinabi ni Dipatuan na nagpadala na sila ng health workers para imbestigahan ang insidente at agad na gamutin ang mga apektadong residente.

Hinala ng health official, posibleng kontaminadong tubig ang dahilan ng pagtatae ng mga residente sa lugar.

Nabatid na wala ring mga palikuran ang mga residente sa lugar kaya posibleng dahilan din ito ng kanilang pagkakasakit.

Gayunman, nilinaw ni Dipatuan na wala namang indikasyon ng cholera batay sa pagsusuri sa bakterya mula sa water sample.

vuukle comment

SAFFRULAH DIPATUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with