^

Bansa

Tulong ng AFP vs pasaway sa Cavite hingi

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napikon na si Cavite Governor Johnvic Remulla sa mga pasaway sa kaniyang lalawigan dahil sa patuloy at araw-araw na pagtaas ng bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa enhanced community quarantine sa lalawigan at nadadagdagan pa ang mga nagpopositibo sa coronavirus disease.

Sa Facebook Page ni Remulla, ipinahayag nito ang kaniyang saloobin at sama ng loob sa kaniyang lalawigan kaya nanawagan na Ito sa pamunuan ng Arned forces of the Philippines na gawin na ang nararapat. Panahon na anya para  higpitan ang pagpapatupad sa ECQ.

Nanawagan at nakikiusap na si Remulla sa Police Provincial Director ng lalawigan na tawagin na ang  mga miyembro ng AFP at maghanda ng mag-deploy sa Cavite. 

Ayon pa kay Remulla, makikipag-ugnayan na umano ito kay DILG Secretary Eduardo Año na gamitin na ang Philippine Army at Reservist para pairalin ang ECQ sa Cavite. 

 

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with