^

Bansa

Mga ospital na tatanggi sa pasyente binalaan ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga ospital na tatanggi sa pasyente binalaan ni Duterte
“Alam ninyo, alam ninyong mali iyan. Kung totoo iyan, sasabihan ko talaga ang Justice department na kasuhan kayo dahil alam ninyong hindi iyan pinahihintulutan, lalo na sa mga ospital ng pamahalaan,” sabi ni Duterte.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ospital na kakasuhan ang mga ito kapag tumangging tanggapin at gamutin ang mga pasyenteng may malubhang karamdaman sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa kaugnay ng COVID-19.

Sa isang public address kamakalawa ng gabi, binanggit ni Duterte ang kaso ng isang pasyente sa Cabanatuan City na tinanggihang makapasok sa anim na ospital.

“Alam ninyo, alam ninyong mali iyan. Kung totoo iyan, sasabihan ko talaga ang Justice department na kasuhan kayo dahil alam ninyong hindi iyan pinahihintulutan, lalo na sa mga ospital ng pamahalaan,” sabi ni Duterte.

Inatasan niya ang mga ospital lalo na iyong pag-aari ng gobyerno na “accept admission.”

Ang mga pampublikong ospital ay naatasang i-convert at i-sanitize ang mga bahay na malapit sa kanilang pasilidad para sa dagdag na silid para sa mga hindi nahawahan ng COVID-19 pero kailangang gamutin tulad ng kaso ng atake sa puso o appendicitis.

“You fail on that, I will relieve all of you in the hospital and you can consider yourself suspended because the written order will follow,” dagdag ng Pangulo.

Napaulat ang hinaing ng isang anak na babae na nagsabing namatay sa bahay ang kanyang ama makaraang tanggihan ito sa anim na ospital. Sinasabi ng mga ospital na wala nang bakanteng kuwarto sa kanilang intensive care unit para sa kanyang ama.

Napaulat din na ang mga ospital sa Metro Manila ay sobra na sa mga pasyente at tinatanggihan na ang ibang may COVID.

vuukle comment

DUTERTE

OSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with