^

Bansa

PGH, Lung Center, JNRMHS ‘exclusive’ COVID-19 hospitals

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
PGH, Lung Center, JNRMHS �exclusive� COVID-19 hospitals
Tinukoy ng Department of Health ang UP-Philippine General Hospital sa Maynila, Lung Center of the Philippines sa Quezon City at ang Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tatlong pagamutan sa Metro Manila ang gaga­wing permanenteng ‘referral hospitals’ para sa mga pasyente na positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Tinukoy ng Department of Health ang UP-Philippine General Hospital sa Maynila, Lung Center of the Philippines sa Quezon City at ang Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City.

Nag-umpisa na ang UP-PGH na hindi tumanggap ng pasyente na may ‘non-emergency cases’ para mabakante ang kanilang mga ward at mga kuwarto. 

Inaasahan na naum­pisahan na ang operasyon nito bilang ‘referral hospital’ kahapon.

Maglalaan naman ang Lung Center ng isa nilang wing na may 40 higaan para sa mga COVID-19 na pasyente.  Mahigpit ang protocol ng Lung Center sa mga COVID patient para hindi magkaroon ng kontak sa mga pasyente nila na may malulubhang sakit sa baga tulad ng tuberkulosis at cancer.

Inihahanda na rin ang JNRMHS sa Tala, Caloocan City na dating Tala Leprosarium, para rito dalhin ang mga pasyente ng COVID na malapit sa lugar.

Kinakailangan rin umano ang tulong ng ibang medical community sa NCR dahil sa manga­ngailangan ng dagdag na health care workers.  

Dahil nangangaila­ngan din ng dugo para sa mga kritikal na pas­yente, tinitiyak ngayon ng Philippine Blood Center na sinasala nila ng husto ang mga donor at hindi kinukunan ng dugo ang mga pinagsususpetsahan na may taglay na virus.

 

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with