^

Bansa

Travel ban sa China tinanggal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Pilipinas ang travel ban o pagbabawal sa pagbibiyahe sa mainland China maliban sa lalawigan nitong Hubei na epicenter ng outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pagbawi sa travel ban ay pinagtibay sa isang resolusyon noong Marso 12, 2020 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF).

Gayunman, nilinaw ng DFA na hindi lahat ay saklaw ng pagtatanggal sa travel ban.

Sinabi ng DFA na hindi kasama sa pagtatanggal ng travel ban ang mga overseas Filipino worker na ipapadala sa mainland China sa unang pagkakataon,  mga estudyente, dependents ng OFW at turista.

Hanggang noong Biyernes ng nakaraang linggo, umabot na sa 3,189 ang namatay sa COVID-19 sa mainland China. Lahat ng mga pinakabagong nasawi ay nasa Hubei habang 10 ang nasa Wuhan. May 80,824 katao ang nahawa sa sakit sa naturang bansa. Sa buong mundo,  mahigit 138,000 katao ang nahawahan at 5,000 ang namatay.

vuukle comment

TRAVEL BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with