^

Bansa

SMC nagbayad na ng P314.6 bilyon sa PSALM

Pilipino Star Ngayon

Para sa Ilijan contract

MANILA, Philippines – Nabayaran na ng San Miguel Corporation sa pamamagitan ng power unit nito ang kabuuang P314.6 bilyon sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) hanggang noong Enero 2020 para sa 1200-mega watts na Ilijan power plant sa Batangas.

Ipinalabas ng SMC ang datos bilang tugon sa mga nalathala sa ilang pahayagan na nagmula umano sa PSALM  at Makabayan Bloc na kumakastigo sa kumpanya dahil sa hindi umano nito nababayarang mga utang sa pamahalaan.

Gayunman, pinabulaanan ng Bayan Muna na nagpalabas ito ng naturang pahayag.

“Sa ilang kadahilanan, habang nakabimbin pa sa korte ang kaso namin sa PSALM, ang usaping ito ay binubungkal ng mga partidong mapanlinlang at nagkukunwaring kumakatawan sa Makabayan bloc para isulong ang ultimo nilang motibo,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang. “Dahil dito, ipinapalabas namin ang pinakabagong datos sa patuloy naming pagbabayad sa PSALM.”

Dahil sa iba-ibang interpretasyon sa basihan sa generation payment, sinimulan ng power unit ng SMC na South Premier Power Corp. (SPPC) at ng PSALM ang diskusyon noong 2012 para makapagpalabas ng tamang kompyutasyon. Noong Setyembre 4, 2015, kahit meron pang mga pag-uusap, tinapos ng PSALM ang Administrator Contract ng SPPC sa Ilijan.

Ang noon ay chairman ng PSALM na si Finance Secretary Cesar Purisima ay nagsabing hindi awtorisado ng PSALM board ang desisyong wakasan ang kontrata.

Ipinaliwanag ng SMC na ang kabuuang nabayaran sa PSALM ay P314.6-B na binubuo ng P73.9-B fixed monthly payment at P240.7-B generation charges.

Dahil dito, ang balance para sa babayaran sa PSALM ay P77.6-B na binubuo ng P23.6-B fixed monthly payments at P54-B generation charges.

Sa lahat-lahat, ang kabuuang paid at unpaid payment sa PSALM ay P392.2-B o P97.5-B fixed monthly payments at P294.7-B generation charges. Ang gain ng PSALM sa deal hanggang noong Enero 2020 ay umaabot sa P40 bilyon. 

vuukle comment

PSALM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with