^

Bansa

Mga lagda sa pro-ABS-CBN resolution sa Kamara, 'ipinababawi ng House leaders'

James Relativo - Philstar.com
Mga lagda sa pro-ABS-CBN resolution sa Kamara, 'ipinababawi ng House leaders'
Ang resolusyon ay nag-uudyok sa committee on legislative franchises na agad aksyunan ang pagsasanib ng mga nakabinbing panukala hinggil sa 25-year franchise renewal ng ABS-CBN upang mapag-usapan sa plenaryo ang mga rekomendasyon dito. 
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng isang mambabatas ngayong Martes ang diumano'y panggigipit ng pamunuan ng Kamara sa mga nagpapahayag ng suporta sa isang resolusyon na nagpapapaspas sa proseso ng prangkisa ng Kapamilya Network.

Sa isang pahayag na inilabas ng ABS-CBN, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ginagawa ito ngayon sa mga iba pang lawmakers na lumagda sa nasabing dokumento.

"Ayon sa mga beripikadong ulat, inuutusan ng pamunuan ng Kamara na bawiin ng signatories ang kanilang pagsuporta sa Resolution No. 639," sabi ni Lagman sa Inggles.

Ang resolusyon ay nag-uudyok sa committee on legislative franchises na agad aksyunan ang pagsasanib ng mga nakabinbing panukala hinggil sa 25-year franchise renewal ng ABS-CBN upang mapag-usapan sa plenaryo ang mga rekomendasyon dito. 

Matatandaang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong Lunes na hindi dapat madaliin ang mga hearing tungkol sa pagpapalawig ng prangkisa ng pinakamalaking media network sa bansa, sa dahilang dapat daw mapakinggan ang lahat ng panig.

"Bilang pinuno ng Kamara, tutol akong madaliin ang desisyon, mapapabor o tutol sa renewal. At paninindigan ko ang desisyong yan," sabi niya kahapon sa Inggles.

"Kailangang marinig ang lahat ng panig sa isyu dahil importanteng debate ito — kaya payagan niyo kami na ibigay rito ang importansyang kinakailangan dito."

 

 

Nakatakdang mapaso sa ika-30 ng Marso ang prangkisa ngunit hindi pa rin dinidinig sa Kamara ang 11 panukalang batas na tumatalakay dito.

Pero tugon ni Lagman, hindi patas na mapagkaitan ng pagkakataon ang iba pang mga kinatawan ng Kamara na makaboto sa renewal lalo na't "co-equals" lang sila.

"Wala siyang monopolyo sa kahihinatnan ng mga measures na ito," sabi niya.

Una nang sinabi ng Senado kahapon na diringgin na nila ang isyu at hindi na hihintayin pa ang Kamara, na para sa kanila'y makupad ang paggalaw.

'Hindi busy ang Kamara'

Kontra sa sinasabi ng pamunuan ng Kamara, hindi naman daw tambak ang priority measures ngayon kung kaya't hindi maintindihan ni Lagman kung bakit hindi pa ito dinidinig.

Ilan dito ay ang:

  • ika-limang tranche ng Salary Standardization Law
  • pagpapaliban ng baranggay at Sangguniang Kabataan elections 
  • paglikha ng Department of Overseas Filipino Workers
  • pagbibigay ng libreng legal services sa Armed Forces of the Philippines

Ang apat na measures na ito ay naging prayoridad ng pamunuan ng Senado at Kamara kasunod ng 209 SONA ng presidente nang simulan ang 18th Congress.

"Wala nang ibang panukala ang na-prioritize habang hindi pa nagco-convene ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), na long overdue na," sabi pa ni Lagman.

Matatandaang naging running-mate ni Pangulong Rodrigo Duterte, na may galit sa ABS-CBN, si Cayetano noong 2016 presidential elections.

Ilang taon na ang nakalilipas nang sabihin ni Duterte na hindi niya tutol siya sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN matapos nila hindi diumano iere ang kanyang mga patalastas noong tumatakbo pa lang sa pagkapresidente.

vuukle comment

ABS-CBN

ALAN PETER CAYETANO

EDCEL LAGMAN

HOUSE OF THE REPRESENATIVES

LEGISLATIVE FRANCHISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with