^

Bansa

'Motorcycle taxis' bawal na uli sa susunod na linggo, sabi ng opisyal ng LTFRB

Philstar.com
'Motorcycle taxis' bawal na uli sa susunod na linggo, sabi ng opisyal ng LTFRB
Sabi pa ni Gardiola sa mga senador, aprubado na raw ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagtatapos ng pilot study.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi na papayagang makapagpasada pa ang mga motorcycle taxis simula susunod na linggo, pagbabahagi ni Land Transportation Francising and Regulatory Board member Antonio Gardiola, Lunes.

Aniya, napagdesisyunan na raw ng technical working group, na nagpapatupad ng pag-aaral, na tapusin na ito nang maaga kahit na wala pang mga konklusyon sa kaligtasan nito.

"Iligal silang lahat," sabi ni Gardiola.

Dahil dito, magtatapos na raw ang provisional authority na ibinigay sa ilang motorcycle taxis na mag-operate sa Kamaynilaan at Cebu.

Sakop daw ng kautusan ang tatlong motorcycle hailing apps gaya ng Angkas, Joyride at Move It.

Sabi pa ni Gardiola sa mga senador, aprubado na raw ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagtatapos ng pilot study.

Dagdag pa niya, dapat daw na tignan ang desisyon para sa kaligtasan ng mga mananakay at hindi sa konteksto ng mga rider na mawawalan ng hanap-buhay.

Una nang inirekomenda ng TWG na paabutin ang pilot test ng motorcycle taxis hanggangh ika-23 ng Marso sa dahilang kulang paraw ang mga datos nila sa kaligtasan ng bagong moda ng public utility transportation.

Hindi rin daw makausad ang TWG dahil sa ilang "legal impediments."

Kinumpirma rin ni Gardiola sa Senate panel ang rekomendasyon nilang i-"blacklist" ang Angkas mula sa mga motorcycle taxis na pwedeng mag-operate sa bansa.

Wika niya, sumaway din daw kasi ang Angkas sa mga guidelines na itinakda ng TWG.

(BASAHIN: Angkas has foreign ownership issues – TWG)

Pinagalitan naman ni Sen. Grace Poe ang inter-agency TWG sa kanilang desisyong ihinto ito: "Umaasa kami sa inyo pero ikakansela niyo dahil ayaw niyo gawin ang trabaho niyo," sabi niya.

"Masyado nape-pressure ngayon ang Konggreso na ipasa ang batas pero kulang pa ang datos namin."

Isinumite na rin ng LTFRB ang kanilang ulat sa Senate Committee on Public Services, na nakatakdang talakayin ang regulasyon ng mga motorsiklo bilang pampublikong transportasyon.

Ipapadala rin sa House Committee on Transportatipon ang report sa susunod na linggo, sabi ni Gardiola. — James Relativo at may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray at News5

vuukle comment

ANGKAS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

GRACE POE

JOYRIDE

MOTORCYCLE TAXI

MOVE IT

TECHNICAL WORKING GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with