^

Bansa

Libreng gamot sa Quezon City residents itinulak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinulong ni Quezon City 4th District Councilor Imee Rillo ang programang pangkalusugan kabilang na ang regular na pamamahagi ng ‘maintenance medicines’ sa mga karapat-dapat na ‘constituents’ sa lungsod.

Ayon sa konsehal, nagsagawa ang kaniyang tanggapan ng survey sa kanilang mahihirap na ‘constituents’ na may mga sakit o may iniinom na maintenance medicine, at nalaman nila na karamihan dito hindi na bumibili ng gamot, dahil mas nais umanong unahin ng mga ito ang malagyan ng pagkain ang kanilang kumakalam na sikmura.

Isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan ni Rillo sa apat na ospital na pinatatakbo ng gobyerno na aayuda sa medikal at pagpapalibing ng mahihirap na residente ng lungsod.

Maging ang mga mahihirap na pamilya na namatayan ng kanilang mga mahal sa buhay ay sasagutin na rin ang libing sa pamamagitan nina Barangay Chairman Rodel Lobo, may-ari ng Wyn Funeral Services at Debra Navarro ng Amber Funeral Services na kabilang din sa lumagda sa MOA.

 

vuukle comment

GAMOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with