^

Bansa

‘Baho’ ng destabilizers ni Duterte umalingasaw

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Unti-unti nang nahuhubaran at umaalingasaw na tila ashfall ang baho ngayon ng mga destabili­zers ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na si dating Sen. Antonio Trillanes.

Reaksiyon ito ng Malacañang kasunod ng ulat ng pagwi-withdraw ni Atty. Camilo “Jude” Sabio sa inihain nitong reklamong crime against humanity kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na namimilipit na ngayon sa kahihiyan si Trillanes kasunod ng pagbaligtad ni Sabio na aniya’y inuusig na ngayon ng konsensiya.

Bukod kay Trillanes, binanatan din ng Palas­yo ang ICC na dapat na aniyang magising sa pagiging ignorante nito at mapagtantong nagagamit lamang sila ng mga indibidwal na ang tanging puntirya ay pabagsakin ang Duterte presidency.

Ang aniya’y professional tie sa pagitan nina Trillanes at ni Sabio, dagdag ni Panelo ay nagwakas matapos na hindi mabayaran ang huli ng kanyang professional fee ng dating Senador dahilan para ito’y bumaligtad gamit ang alibi na ayaw na niyang magamit sa political propaganda ng Partido Liberal.

vuukle comment

DESTABILI­ZERS

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with