^

Bansa

Hindi pa botante? Voter registration magsisimula uli sa Lunes

Philstar.com
Hindi pa botante? Voter registration magsisimula uli sa Lunes
Tatakbo ito mula ika-20 ng Enero hanggang ika-30 ng Setyembre, 2021 bago ang 2022 national at local elections.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Commission on Elections ang muling pagbubukas ng registration period para sa mga nais maging opisyal na botante, bagay na magsisimula sa susunod na linggo.

Tatakbo ito mula ika-20 ng Enero hanggang ika-30 ng Setyembre, 2021 bago ang 2022 national at local elections.

Maliban sa aplikasyon para sa pagpaparehistro, tatanggapin din ang:

  • paglilipat ng registration records
  • pagpapalit/pagtatama ng entries sa tala ng rehistro
  • pagre-reactivate ng registration record
  • pagbabalik ng pangalan sa listahan ng mga botante

Maaari ring i-update ng mga may kapansanan, senior citizens, katutubo at iba pang bulnerableng sektor ang kanilang mga record.

Sabi ng Comelec nitong Biyernes, kinakailangang personal na gawin ang mga transaksyon sa Office of the Election Officer ng lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante.

Maaari itong asikasuhin mula Lunes hanggang Sabado (kahit na holiday), mula 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.

Gayunpaman, hindi raw maaaring magparehistro sa mga sumusunod na petsa:

  • tuwing Linggo
  • Huwebes Santo (ika-9 ng Abril, 2020)
  • Biyernes Santo (ika-10 ng Abril, 2020)
  • Pasko (ika-25 ng Disyembre, 2020)

"Dahil sa kondukta ng plebisito sa 23 munisipalidad ng probinsya ng Palawan sa ika-11 ng Mayo, 2020, hindi magsasagawa ng registration [doon]," sabi ng Comelec sa Inggles.

Sa kabila nito, magpapatuloy ang pagpaparehistro ng mga residente ng Puerto Princesa City sa Lunes.

Sinu-sino ang pwedeng magparehistro?

Maaaring magparehistro para sa susunod na eleksyon ang sumusunod:

  • 18 taong gulang sa araw ng halalan
  • nakatira sa Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon
  • nakatira sa lugar na plano niyang pagbotohan sa loob ng anim na buwan

"[H]indi na kinakailangang magparehistro ang mga registered voters as of May 13, 2019 midterm elections," dagdag nila.

Maaari ring magpa-rehistro at bumoto ang mga naturalized citizens, o mga dating banyaga na nanumpa na sa batas bilang mga Pilipino. — James Relativo

vuukle comment

COMELEC

COMMISSION ON ELECTIONS

VOTER REGISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with