^

Bansa

‘Taal’ victims tulungan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Palasyo sa publiko

MANILA, Philippines — Umapela kahapon ang Ma­la­cañang sa publiko na huwag magdalawang-isip na magpa­abot ng tulong sa mga naapek­tuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sinabi ni Presidential Com­­munications Operation­ Office (PCOO) Secretary­ Mar­tin Andanar na, sa gani­tong­ mga pag­kakataon, kinakailangan ang paglahok at pakikiisa ng publiko upang maiwasan ang ibayo pang problema at anupamang casualties.

Nanawagan din ang Pa­lasyo sa mga apektadong residente na huwag nang maging matigas ang ulo at sa halip ay sumunod sa ipinag-uutos ng kani kanilang mga lokal na pinuno at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagkuku­mahog ngayong mailikas ang mga residente sa ligtas na lugar.

Samantala, nasa May­nila na si Pangulong Rodrigo Duterte galing ng Davao kaha­pon ng umaga.

Ayon kay Sen. Bong Go, sila ang unang nakalapag ka­hapon ng umaga sa pa­li­pa­ran sa Manila pero hindi na na­banggit kung saang paliparan sila bumaba ng Presidente.

vuukle comment

TAAL’

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with