^

Bansa

Iran umaming nagpabagsak sa Ukrainian aircraft

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ng militar ng Iran na human error at hindi sinasad­yang pinaputukan at pi­nabagsak ang isang eroplanong Ukrainian na inakalang kalaban dahil lumilipad ito malapit sa isang sensitibong military site ng elite Revolutio­nary Guards.

Gayunman, sinabi ng Iranian military na papanagutin nila ang mga may kagagawan sa insidente at idudulog sa judicial department ng militar.

Sinabi pa ng Iran na unintentional” ang pagpapabagsak ng Ukrainian jetliner Boeing 737 kung saan namatay lahat ng 176 na sakay ng erop­lano.

Ginawa ng Iran ang pag-amin sa kabila ng mga naunang pagtanggi sa mga akusasyon na sinadyang pabagsakin ang Ukrainian jetliner.

Pinabagsak ang eroplano noong Miyerkules ilang oras matapos ang missile attack ng Iran sa dalawang base ng Amerika sa Iraq kung saan wala namang naiulat na namatay.

Nauna rito, pinatay ng Amerika si Iranian Gen. Qassem Soleimani sa ginawang airstrike sa Baghdad.

Ayon sa inilabas na pahayag ng state media, napagkamalan ang eroplano na kalaban habang papalapit sa isang sensitibong “military Revolutio­nary Guard.

Dahil din umano ma­taas na tensiyon sa Ame­rika kaya nagkaroon ng “human error” at hindi sinasadyang napabagsak ang eroplano.

Humingi rin ng paumanhin ang Iran at sina­bing papanagutin ang nagpabagsak sa eroplano.

Ayon sa report, sakay ng eroplano ang 167 pa­sahero at siyam na crews. Kabilang sa mga pasahero ang 82 Ira­nians, 57 Canadians at 11 Ukrainians.

Nauna nang iginiit ng Amerika at Canada na sinadya ang pagbagsak ng eroplano.

vuukle comment

BOEING 737

UKRAINIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with