^

Bansa

Angkas doble kara, ayon sa DOTr-TWG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinawag na doble-kara ng Department of Transportation-Technical Working Group (DOTr-TWG) ang motorycle hailing app na Angkas.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary Goddess Hope-Libiran na makikita ang pagiging doble-kara ng Angkas dahil nauna silang humingi ng paumanhin sa pamahalaan sa pamamagitan ng media subalit pagkatapos ay humingi naman ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema.

Paliwanag ni Libiran, nangako ang Angkas na susunod sa guidelines na ipinapatupad ng pamahalaan subalit sa bandang huli ay kanila rin itong kinuwestyon sa korte.

Kasama pa umano sa petisyon ng Angkas na tanggalin sa pilot study ang iba pang motorcycle hailling app na Joyride at Move It. 

Kaya tanong ng opisyal, gusto lang ba ng Angkas ay makuha ang monopolyo ng motorcycle taxi?

 

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with