^

Bansa

DOLE handa uling mag-'deployment ban' sa Kuwait sa pagkamatay ng OFW

Philstar.com
DOLE handa uling mag-'deployment ban' sa Kuwait sa pagkamatay ng OFW
"Handa akong gawin 'yon. Ngayon, hindi maliit ang posibilidad na magpatupad ng deployment ban sa Kuwait, maliban na lang kung maipakikita nila na kaya nilang bigyang hustisiya si Jeanelyn," ani Bello sa Inggles.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Handa ang gobyerno na ipatigil ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait kasunod ng panibagong kaso ng pagkamatay ng Pinay sa kamay ng kanyang amo, paglalahad ng Department of Labor and Employment, Miyerkules.

Lunes nang kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs ang pagkamatay ni Jeanelyn Padernal Villavende, na diumano'y pinaslang ng misis ng kanyang employer.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na may posibilidad na magpatupad ng deployment ban sa Kuwait kung hindi mabibigyang katarungan ang pagkamatay ni Villavende.

"Handa akong gawin 'yon. Ngayon, hindi maliit ang posibilidad na magpatupad ng deployment ban sa Kuwait, maliban na lang kung maipakikita nila na kaya nilang bigyang hustisiya si Jeanelyn," ani Bello sa Inggles.

Wika ng DOLE, "malinaw na paglabag" ang kanyang pagkamatay sa nilagdaang kasunduan ng Kuwait at Pilipinas noong 2018, na naglalayong protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa nasabing bansa.

Ibinunga ang usapan matapos mapatay ang Filipina domestic worker na si Joanna Demafelis, na isinilid ang bangkay sa freezer.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong "marka ng torture" at "pananakal" ang labi ng biktima.

Bagama't itinutulak ng ilang grupo ng kilusang paggawa ang ang pagpapadala ng Pinoy sa Kuwait, nangangamba naman ang ilan na maitutulak nito ang mga Pinoy na mas sumugal nang malaki sa layuning makahanap ng trabaho sa ibayong dagat. — James Relativo at may mga ulat mula kay Ian Nicolas Cigaral

vuukle comment

ABUSE

DOLE

KUWAIT

OVERSEAS FILIPINO WORKER

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with