^

Bansa

Patay kay ‘Ursula’, 41 na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Patay kay �Ursula�, 41 na
Umaabot naman sa P1.074 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa parteng Luzon at Visayas.
Contributed photo by Ali Bereber

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 41 katao ang bilang ng mga nasawi sa bagyong Ursula.

Umaabot naman sa P1.074 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa parteng Luzon at Visayas.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), mayroon pang 12 katao ang patuloy na pinaghahanap, walo sa mga ito ay mula sa Region 6 habang tig-dalawa naman sa MIMAROPA at Region 8.

Nasa 1.6 milyon katao ang naapektuhan ng pa­nanalasa na anim na beses nag-landfall sa bansa.

Kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ang MIMAROPA, Region 5,6,7, 8 at Caraga region.

Umaabot naman sa 24,378 pamilya o kabuuang 97,000 katao ang inilikas sa 529 evacuation centers, habang 8,717 pamilya o mahigit sa 38,000 katao ang inilikas din pero sa labas ng evacuation centers.

Si Ursula ay lumabas na sa area of responsibility nitong Sabado at nag-iwan ng grabeng pinsala sa mga kabuhayan at sumira ng libo-libong kabahayan dahil sa dulot  nitong malakas na ulan at hangin.

vuukle comment

MIMAROPA

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with