^

Bansa

Defense: CPP-NPA nagbabalatkayong nagmamalasakit sa masang Pinoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabalatkayo lamang umano ang CPP-New People’s Army na nagmamalasakit sa masang Pinoy sa loob ng 51 taon nitong pamama­yagpag sa bansa.

Ito ang mariing patutsada kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay ng pagdiriwang ng CPP ng ika-51 taon nitong anibersaryo kahapon.

Sinabi ni Lorenzana na sa loob ng 51 taon ay nabuhay sa paghahasik ng terorismo partikular na sa mga kanayunan ang NPA rebels.

“Sa CPP, ano ang inyong ipinagdiriwang, ang pagkamatay ng maraming biktima ng karahasan ang pagkasira ng bilyong mga ari-arian o ang bilyong inyong nakurakot sa inyong mga biktima?”, kuwestiyon ng Kalihim.

“You should be ashamed of yourselves pretending to be fighting for the people. You are just a bunch of killers, arsonists, and extortionists,” giit ni Lorenzana.

Sa katunayan, ayon sa Kalihim ay maraming mga kabataan ang napapariwara sa pagre-recruit ng CPP-NPA na nasisira ang kinabukasan matapos na sumapi sa armadong kilusan.

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with