^

Bansa

'Ill-gotten': Marcoses inutusang isuko ang $24.33-M paintings, likhang-sining

James Relativo - Philstar.com
'Ill-gotten': Marcoses inutusang isuko ang $24.33-M paintings, likhang-sining
Ayon sa Sandiganbayan First Division, napatunayan ng Presidential Commission on Good Government na ang halaga ng artworks na nakuha nina "Macoy" at misis na si Imelda Marcos noong Martial Law ay labis na "out of proportion" sa kanilang pinagsamang sweldo.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng korte na na mabawi mula sa pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang P24.325 milyong halaga ng mga paintings at likhang-sining na kanilang kinamal noong panahon ng diktadura.

Ayon sa Sandiganbayan First Division, napatunayan ng Presidential Commission on Good Government na ang halaga ng artworks na nakuha nina "Macoy" at misis na si Imelda Marcos noong Martial Law ay labis na "out of proportion" sa kanilang pinagsamang sweldo.

"In sum, petitioner Republic was able to establish the prima facie presumption that the paintings and artworks valued at US$24,325,500 acquired by the respondent spouses were significantly out of proportion to their aggregate salaries of $304,372.43 as public officials."

Kinatawan ng Office of the Solicitor General ang PCGG sa korte.

"DECLARING the following paintings and artworks as unlawfully acquired, and are therefore forfeited in favor of petitioner Republic of the Philippines."

Ipinasusuko sa pamilya ang mga sumusunod:

  • mga artworks na nakalista sa "PCGG List of Missing Artworks"
  • Grandma Moses Paintings
  • mga likhang-sining na nakalista sa "A Report on the Metropolitan Museum of Manila's Art Collection"
  • iba pang mga kahalintulad na mahahalagang artworks na maaaring makita sa ilalim ng kontrol at pagmamay-ari ng mga respondent, kanilang mga ahente, kinatawan, nominado o mga taong umaakto para sa kanila

Dahil dito, ipinag-uutos sa mga respondent, representatives, nominees at "persons acting on their behalf" na:

  • tigilan o 'wag nang muling tangkain (cease and desist) ang pagtatapon, paglilipat at/o pagbebenta ng anumang nabanggit na paintings at artworks
  • magbigay ng accounting ng mga paintings at artworks na maaaring nasa kontrol o pag-aaari pa nila
  • magbigay ng accounting ng mga paintings at artworks na naibenta na at isaoli ang kita mula rito sa republika
  • isuko ang mga painting at/o ibulgar ang mga kasalukuyang pinagkakalagakan nito

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ibasura ng Sandiganbayan Fourth Division ang pagbawi sa P200-bilyong halaga ng yamang diumano'y iligal na kinamal ng pamilya noong batas militar. — may mga ulat mula kay The STAR/Elizabeth Marcelo

vuukle comment

DICTATORSHIP

FERDINAND MARCOS SR.

ILL-GOTTEN WEALTH

IMELDA MARCOS

MARTIAL LAW

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with