Rice farmers na apektado ng RTL, may ayudang P5K
MANILA, Philippines — Maglalaan ng P5,000 cash assistance ang Department of Agriculture sa bawat isa sa 600,000 rice farmers na higit na naapektuhan ng Rice Tarrification Law (RTL).
Nakipagsundo na ang DA sa Land Bank at Development Bank of the Philippines (DBP) upang maipalabas ang P3-bilyong Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) o unconditional cash transfer sa naturang mga magsasaka na nagmamay-ari ng may isa at kalahating ektarya ng palayan sa loob ng dalawang dekada.
“We understand the plight of our rice farmers, particularly the marginal ones who are experiencing the challenge of a liberalized rice trade. The RFFA is one way to help them cope with the tough competition they are facing in the market today,” pahayag ni DA Secretary William Dar.
Una nang inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang implementasyon ng RFFA ngayong taon para ayudahan ang mga apektadong magsasaka.
Ang financial assistance para sa mga rice farmers ay mula sa tariff collection ng P10 billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng pamahalaan.
- Latest