^

Bansa

Kasunod ng 6.9 magnitude quake sa Davao Marami pang aftershocks mararamdaman

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Kasunod ng 6.9 magnitude quake sa Davao Marami pang aftershocks mararamdaman

MANILA, Philippines — Mahigit na sa 500 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng naganap na 6.9 magtude na lindol sa Davao del Sur  noong Linggo at marami pang aftershocks ang mararamdaman.

Ayon sa Phivolcs, sa naturang bilang, 130 ang na-locate at 41 naman ang naramdaman.

Partikular na tinumbok ng lindol ang bayan ng Matanao, Davao del Sur na nakaramdam ng intensity 7 ng lakas ng pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, ang naganap na 6.9 magnitude na lindol ay dulot ng paggalaw ng Tangbulan Fault na may kakaya­hang magkaroon ng hanggang 7.2 magnitude na lindol.

Patuloy namang ina­alam ng Phivolcs kung ang  patuloy na pagyanig sa Mindanao ay may kaugnayan sa  magnitude 6.9 earthquake  noong Linggo.

Patuloy umanong mararamdaman ang pagkakaroon ng aftershocks sa Mindanao na aabutin ng hanggang tatlong araw ngunit ito ay pahina na nang pahina ang pagyanig.  

Umabot na sa lima ang bilang ng nasawi habang 49 pa katao ang nasugatan sa magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Davao del Sur Kamakalawa.

Dahil naman sa posibleng pinsala, inirekomenda kahapon ng Philippine National Police (PNP) na ipasara na ang mga mahihinang istraktura na naapektuhan ng magnitude na 6.9 na lindol sa Mindanao.

Umabot na sa lima ang naitalang nasawi matapos na tatlo pang bangkay ang marekober nitong Lunes ng umaga  at hapon habang 49 naman ang naitalang nasugatan.

Naitala naman sa 5, 704 katao ang naapektuhan ng lindol kung saan nasa 1,900 kabahayan ang nagtamo ng pinsala at nasira habang nasa 26 ring gusali  kabilang ang mga eskuwelahan ang nagtamo ng bitak at nasira sa lindol.

Iniutos na rin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang 24 oras na pagtutok ng mga ground units sa ginagawang operasyon kasunod ng 6.9 magnitude na lindol sa Davao region kamakalawa.

 Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nais matiyak ng Pa­ngulo na ligtas ang lahat sa gitna ng inaasahang mga aftershocks ng lindol kasunod ng 6.9 magnitude na lindol kamakalawa bandang alas-2:00 ng hapon.

vuukle comment

LINDOL

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with