November inflation bumilis
MANILA, Philippines – Bumilis ang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 1.3 percent ang inflation rate sa nasabing buwan.
Higit na mabilis ito kumpara sa 0.8 percent noong nakaraang Oktubre.
Sinasabing ang inflation ay dahil sa mas mataas na presyo ng sigarilyo, alak, pati na ng housing at utility costs.
Pangunahing nakapag-ambag sa November inflation ay ang mataas na presyo ng restaurant at miscellaneous goods at services, habang bumaba naman ang halaga ng bigas at iba pang produkto sa pamilihan.
Samantala, sa pahayag naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sinabi nilang pasok pa rin sa forecast range nila ang naitalang inflation rate.
- Latest