^

Bansa

Pinas patuloy na humahakot ng ginto Duterte super saya sa SEA Games

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pinas patuloy na humahakot ng ginto Duterte super saya sa SEA Games
Lalo pang natuwa ang Pangulo nang humakot agad ng 23 gold medals ang mga atletang Pilipino sa unang araw ng kompetisyon noong Linggo at patuloy na namama­yagpag kahapon.
Photo from Mañosa Group of Companies via Gelo Mañosa/Facebook

MANILA, Philippines — Labis na ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opening night ng Southeast Asian (SEA) Games kasama na ang lahat ng grupo at indibidwal na nasa likod nito.

Lalo pang natuwa ang Pangulo nang humakot agad ng 23 gold medals ang mga atletang Pilipino sa unang araw ng kompetisyon noong Linggo at patuloy na namama­yagpag kahapon.

Kabilang sa pinapurihan ng Pangulo ang  organizers, performers at volunteers sa pagtatanghal ng opening ce­remony ng SEA Games na kauna-unahang ginanap sa isang dambuhalang indoor stadium na Philippine Arena.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, isang palabas ng pagkakaisa ng mga Pilipino ang opening night dahil dumagsa ang mga manonood mula sa iba’t-ibang estado ng buhay at iba’t-ibang grupong politikal upang suportahan ang mga atletang Pinoy.

Tinukoy ng Palasyo ang saya at ingay ng mga manonood nang pumarada na sa entablado ang koponan ng Pilipinas sa saliw ng tugtog na ‘Manila’. Kinilala din nito ang presensya ng walong sporting legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thompson, Paeng Nepomuceno, Onyok Velasco at Efren ‘Bata’ Reyes. 

Ayon kay Panelo, pinasaya ng walong sports icons ang mamamayang Pilipino at binigyan ng hindi matatawarang inspirasyon ang mga atletang Pinoy.

Kaugnay nito, umaasa ang palasyo na magsisilbing inspirasyon at tutularan ng ibang bansang nakatakdang ma­ging punong-abala sa SEA Games sa susunod na mga taon ang hosting ng Pilipinas sa naturang palaro.

Humataw naman ng todo sa kanilang mga events ang koponan ng Pilipinas na nakapagtala na ng 23 gintong medalya sa unang araw pa lamang ng SEA Games.

Inaasahan ng mga organizers at sports officials ng Pilipinas na makokopo ng ating bansa ang over all championship sa 30th SEA Games.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with