^

Bansa

P4.1 trilyon national budget sa 2020 aprub na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P4.1 trilyon national budget sa  2020 aprub na sa Senado
Bumoto sa panukala ang 22 senador na du­malo sa sesyon, walang kumontra at walang abs­tensiyon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines —  Aprub na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang P4.1 trilyon national budget para sa 2020.

Bumoto sa panukala ang 22 senador na du­malo sa sesyon, walang kumontra at walang abs­tensiyon.

Si Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance ang mamumuno sa 15 senador na magiging kinatawan ng Senado sa bicameral conference committee.

Nakapaloob sa ipinasang panukala ang karagdagang pondo para sa pagtaas ng Teacher Salary Subsidy.

Nauna nang tiniyak ni Angara na mapopondohan sa ilalim ng panukala ang mga bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga dinagdagan ng pondo ay ang Department of Education (P6 bilyon); State Universities and Colleges (SUCs) (P1.158 bilyon); suweldo ng mga government nurses (P3.173 bilyon); at P920 milyon para sa salary upgrade ng mga sundalo sa Philippine Army; P150 milyon sa Vete­rans Memorial Medical Center (VMMC) para sa gamot at pag-hire ng mga bagong personnel.

Maglalaan din ng  P1.529 bilyon para sa Salary Standardization Law 5 ng mga kawani ng PNP at P32 bilyon sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with