^

Bansa

Bangayan sa SEA Games tigilan na – Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bangayan sa SEA Games tigilan na � Sotto
Ayon kay Senate President Tito Sotto, ma­kabubuting itigil na ng mga Pilipino ang pagpuna sa mga maliliit na insidente na nangyayari sa SEA Games.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Sa halip na magturo at manisi, dapat suportahan na lang ang mga organizer ng Southeast Asian Games sa mga problema na dinaranas din naman sa ibang bansa.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, ma­kabubuting itigil na ng mga Pilipino ang pagpuna sa mga maliliit na insidente na nangyayari sa SEA Games.

Kung tutuusin anya, maituturing pa ring “too hospitable” at angat ang Pilipinas kung ikukum­para sa ibang bansa na napagdausan na ng SEA Games.

Sinabi ni Sotto, na na­ging atleta rin sa larong bowling noon, na dinanas nila ang mas masaklap na karanasan kung saan sila ay pinabayaan ng host country at kinaila­ngan pa nilang gumastos sa sarili nilang pera para makakain.

Ito ay noong SEA at Asian Games kung saan dala niya at kanyang mga kasama ang bandila ng Pilipinas nang lumaban sila sa bowling.

“We are too hospitable. In the SEA/Asian Games I’ve participated in, we were left by the host country to fend for ourselves. If possible, they even make us uncomfortable to make sure we lose to them,” sabi ni Sotto.

Anya, lumaban sila noong 1978 Asian Games at 1977, 1978 at 1981 SEA Games kung saan pumapel siyang player o ‘di kaya ay coach.

Naging participant din siya sa World Cup 1978 at 1985, at sa President’s Cup sa Indonesia mula 1984 hanggang 1986. 

Sinabi pa ni Sotto na hindi obligasyon ng host country na pakainin ang mga dayuhang participants.

Maging ang dati at kasalukuyang manlalaro at atleta ay sumang-ayon kay Sotto, anila hindi sila nagpatinag sa mga distraction para manalo sa mga sports avent.

Sinabi ni Alejandro Baldo Jr., dating Philippine Azkals U22 team member, sa ibang bansa ay nakakaranas din ng aber­ya. Nag-shared pa siya ng video sa social media kung saan siya at mga kasama niyang Pilipinong manlalaro ay nagtutulak ng double-decker na bus sa gitna ng kalye nang tumirik ito bago pa man sila ma­kabalik sa kanilang hotel sa Bangkok, Thailand. 

Ayon naman sa Badminton player na si Anton Cayanan, naalala pa niya ang mga kakula­ngan o “inadequate food supply” sa kanilang hotel noong 2017 SEA Games sa Malaysia, subalit na­ging maayos din naman sa mga sumunod na araw.

Ang mga kontra lamang aniya kay Pangulong Duterte at kay Phi­lippine Southeast Asian Games Organizing Commitee (PHISGOC) chairman, Speaker Alan Peter Cayetano ang nagpapalaki ng isyu sa SEA Games.

Idinagdag ni Sotto na dahil uso na ang social media, mas mabilis ku­malat ang isyu.

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with