Signal No. 2 itinaas sa Catanduanes sa patuloy na hagupit ni 'Ramon'
MANILA, Philippines — Bagama't napanatili ng Tropical Storm Ramon ang lakas nito, itinaas naman ang tropical cyclone wind signal na nakaaapekto sa isang isla ng Kabikulan, Miyerkules ng hapon.
Sa 5:00 p.m. bulletin ng weather bureau, sinabi na kasalukuyang nakataas ang Signal Number 2 sa probinsya ng Catanduanes.
"Kapag Signal Number 2 po, suspended na ang mga klase sa mga pre-school at maging sa elementary," ayon kay Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA.
Samantala, Signal Number 1 naman sa:
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Eastern Samar
- Northern Samar
Natagpuan ang sentro ng sama ng panahon 390 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar bandang alas-kwatro ng kapon.
May taglay itong hanin na aabot ng hanggan 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot ng hanggang 80 kilometro kada oras.
Bumagal naman ang pagkilos nito pakanluran hilagangkanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Posible namang itaas ang signal no. 1 sa Polilio Island sa susunod na bulletin ng PAGASA pagsapit ng alas-onse ng gabi.
Mula ngayon hanggang bukas ng hapon, mahihina hanggang katamtaman na may paminsan-minsan malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa:
- silangang bahagi ng Cagayan at Isabela
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
Mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod namang malalakas na pag-ulan ang bubuhos sa:
- Apayao
- Aurora
- Quezon
- nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela at rehiyon ng Bicol
- Latest