Singil sa kuryente tataas ngayong Nobyembre
MANILA, Philippines — Magtataas ang Meralco ng dagdag singil sa kanilang kuryente ngayong Nobyembre.
Nasa P0.47/kwh ang madadagdag o katumbas ng P94 dagdag para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P141 sa 300 kWh, P188 sa 400 kWh, at P235 sa 500 kWh.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang taas-presyo ay bunsod umano ng 2 beses na pagnipis ng suplay ng kuryente o pagsasailalim sa yellow alert ng Luzon grid noong nakaraang buwan bunsod ng forced outages ng ilang mga planta.
Mas mababa rin ang natirang refund sa mga consumer na inutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ipatupad.
- Latest