^

Bansa

Publiko pinag-iingat sa kandila, halloween costumes at decors

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Pinag-iingat ng EcoWaste Coalition ang publiko sa pagbili ng  kandila, halloween costumes, mga dekorasyon at laruan kaugnay ng nalalapit na Undas dahil sa posibleng banta sa kalusugan.

Ayon sa EcoWaste Coalition Chemical Safety Campaigner Thony Dizon, ang mga kandilang may lead wicks ay puwedeng makalason lalo na sa mga batang makaaamoy ng usok nito.

Kadalasan anila itong nabibili sa Binondo na karaniwang kulay pula at nakalagay sa baso na may iba’t-ibang hugis. 

Pinayuhan naman ang publiko na bumili na lamang ng mga gawang lokal na kandila. 

Kaugay nito, lumalabas naman sa mga binili nilang halloween products sa halagang P25 hanggang P199 mula sa halos 30 tindahan sa Monumento, Caloocan City, Quiapo, Maynila, Libertad, Pasay City at Cubao, Quezon City na hindi nakarehistro sa health authorities, kulang sa label at iba ay sadyang walang label.

Sinabi ni  Dizon na siyam na halloween decorations kabilang ang apat na pumpkin figurine sets, tatlong jack-o’-lanterns at dalawang toy animals na nabili nila ay ginamitan ng pinturang may mataas na lead content.

Ang orange-painted jack-o’-lanterns naman ay nagtataglay ng high lead level na mas mataas sa 10,000 parts per million na lubhang masama sa kalusugan.

Ilan sa mga items ay nakitaan din ng high levels ng antimony, bromine at cadmium.

vuukle comment

ECOWASTE COALITION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with