^

Bansa

Recount ni Bongbong Marcos, pumabor kay Leni

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Mas lumaki pa ang lamang ni Vice President Leni Robredo laban kay ex-Sen. Bongbong Marcos, ayon sa ulat mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET). 

Sa committee report na inilabas ng PET, nakakuha ng dagdag na 15,093 boto si Robredo matapos ang manual initial recount na isinagawa sa mga probinsya ng Iloilo, Negros Oriental, at sa balwarte niyang Camarines Sur, ang mga probinsyang si Marcos mismo ang pumili. 

Dahil sa naging resulta, idiniin ni acting Chief Justice Antonio Carpio, na dapat nang ibasura ang protesta ni Bongbong. 

Ayon kay Carpio, ginagawang “katatawanan” ni Marcos ang proseso sa pagpupumilit na ituloy pa ang kaniyang kaso. 

Alinsunod ang pagbasura ng protesta sa sari­ling panuntunan ng PET, na nagsasabing dapat malaki ang mabawi ni Marcos sa recount, upang payagang ituloy ito. 

Dahil dito, lalong lu­malakas ang panawagan ng iba’t ibang sektor na ibasura na ang kasong ito. 

Sa mga pahayag kamakailan, sinabi ng Makati Business Club at ng iba pang mga grupo ng mga negosyante na dapat ay agaran nang maresolba ang kaso, upang mabawasan ang pag-aalinlangan ng ibang investors dahil sa “political at judicial uncertainty” sa bansa. 

Nagbabala naman sina dating Comelec commissioner Goyo Larrazabal at dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban, tungkol sa ikatlong cause of action sa kaso ni Bongbong laban sa Bise Presidente. 

Ayon sa kanila, hindi basta-basta mapapawalang-bisa ang mga boto sa mga probinsya ng Lanao del Sur, Basilan, at Maguindanao, dahil magkakaroon pa ng special elections.

vuukle comment

MARCOS

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with