^

Bansa

Digong pinakilos lahat ng governmentt agencies sa lindol

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinakilos ni Pangulong Duterte ang lahat ng ahensiya ng gobyerno upang ayudahan ang mga biktima ng 6.3 magnitude na lindol na tumama sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, inutos ng Pangulo sa concerned government agencies na agad tulungan ang mga nasawi at nasugatan at ihanda ang gagawing rehabilitasyon sa mga napinsalang mga lugar.

Lima katao ang nasawi sa nasabing lindol habang nasunog din ang Gaisano mall sa General Santos City.

Mahigpit namang minomonitor ng Malacañang ang sitwasyon at pinaalalahanan ang publiko na maging kalmado pero dapat maging alerto.

Ibinilin din ng Palasyo sa publiko na iwasan ang magpakalat ng mga disimpormasyon na nakakaalarma sa taumbayan.

 

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with