Lockdown sa ASF-infected areas
MANILA,Philippines — Inutos ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng lockdown sa mga lugar sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga na infected ng African swine fever (ASF).
Ayon kay DA spokesperson Noel Reyes, bukod sa 1-7-10 protocol, ang lockdown ay ipatutupad para mas paigtingin pa ang mga hakbang upang makontrol at hindi na kumalat pa ang ASF sa ibang lugar.
Idiniin ni Reyes na kailangang maipatupad ang lockdown upang mapaigting ang bio-security measure, kailangan maglagay ng footbaths, tire paths na may disinfectant at madagdagan ang quarantine checkpoints.
- Latest