SSS pensioners maaari nang makautang ng hanggang 200K
MANILA, Philippines — Maaari na ngayong makautang sa Social Security System (SSS) ang may 1.5 million retiree-pensioners ng hanggang P200,000 sa ilalim ng enhanced Pension Loan Program (PLP).
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, ang enhanced guidelines sa PLP alinsunod sa Social Security Commission (SSC) Resolution No. 429-s.2019 ay layong mabigyan ng kaukulang financial assistance ang mga qualified retiree pensioners.
“As we celebrate the Elderly Filipino Week, we would like to inform our pensioners the good news about PLP. They can now borrow up to 12 times their basic monthly pension plus the additional P1,000 benefit. SSS branches are now accepting PLP applications from qualified retiree-pensioners,” pahayag ni Ignacio
Ang mga qualified ay mga retiree pensioners na may 85 gulang pababa sa huling loan repayment term kung walang dating utang sa SSS o benefit overpayment payable sa SSS mula sa kanyang monthly pension. Dapat ding walang existing advance pension ang mga pensioner sa ilalim ng SSS calamity package at tumatanggap ng kanyang regular monthly pension ng halos isang buwan o may “active” pension status.
- Latest