‘Ninja cops’ aaksiyunan ni Duterte
Senate probe patatapusin muna
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na aaksiyunan ni Pangulong Duterte ang isyu ng “ninja cops” pagkatapos ng imbestigasyon na isinasagawa ng Senado.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patuloy na mino-monitor ng Pangulo ang nangyayari sa Pilipinas kahit limang araw itong nasa opisyal na pagbisita sa Russia.
“The President, however, will let Congress do and finish its investigation in aid of legislation before taking any formal action on the issue of these ninja cops,” pahayag ni Panelo.
Tiniyak din ni Panelo na hindi hihina ang kampanya ng Pangulo laban sa ilegal na droga at mga sumisira sa bansa kahit pa sila’y bahagi ng gobyerno.
“As our Chief Executive has mentioned in many occasions, there will be hell to pay for those who become worse than criminals,” dagdag ni Panelo.
Tungkol naman sa dalawang general na binanggit ng Pangulo sa Valdai Forum, nilinaw ni Panelo na ang tinutukoy ng Pangulo ay ang mga general na inaakusahang nagbigay ng proteksiyon sa mga ninja cops.
“With regard to PRRD’s remarks during the Valdai Forum where he disclosed that there are two generals who are still involved in the illegal drug industry, he refers to the PNP generals who have been accused to have protected the ninja cops,” sabi ni Panelo.
Hihintayin din ng Malacañang ang rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) kapag natapos na ang isinasagawang imbestigasyon.
- Latest