^

Bansa

Higit 1K bagong kaso ng HIV naitala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit 1K bagong kaso ng HIV naitala
Nabatid sa HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) na 194 o 19% ang may clinical manifestations ng advanced HIV infection noong panahong ma-diagnose ito.
File

MANILA, Philippines — Panibagong 1,006 kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang naitala ng Department of Health-Epidemiology Bureau nitong nakalipas na Hunyo.

Nabatid sa HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) na 194 o 19% ang may clinical manifestations ng advanced HIV infection noong panahong ma-diagnose ito.

Sa katulad na panahon noong nakalipas na taon ay nakapagtala ang DOH ng 993 HIV cases.

Sexual contact ang sinasabing panguna­hing dahilan kung bakit dinapuan ng sakit ang mga biktima, na umabot sa 983 kaso o 98% ng kabuuang bilang habang ang modes of transmission ay dahil sa sharing of infected needles na bumiktima ng siyam na katao at mother-to-child transmission na may tatlong kaso.

Hindi naman batid ang dahilan nang pagkahawa ng sakit ng 11 sa mga pasyente.

“Among the newly diagnosed females this month, five were pregnant at the time of diagnosis,” ayon sa  ulat.

Pinakamataas ang mga kasong naitala sa National Capital Region (346 cases); kasunod ang Calabarzon (155), Central Luzon (114); Central Visayas (78), at Western Visayas (56).

vuukle comment

HIV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with