^

Bansa

National Council vs Child Labor pinabubuo ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniutos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng National Council Against Child Labor.

Nakapaloob ito sa Executive Order 92 na nilagdaan ng Pangulo na layunin nitong maprotektahan ang mga kabataan mula sa pang-aabusong pisikal, spiritwal, moral, intellectual at social-well being.

Batay sa EO 92, itata­laga bilang chairperson ng NCACL ang Labor Secretary habang tata­yong co-chairperson dito ang DSWD Secretary.

Kabilang sa mga kapangyarihan at mandato ng NCACL ay tiyaking naipapatupad ng maayos ang Republic Act 7610 o batas na nangangalaga sa mga kabataan at mga kababaihan.

Inaatasan din ng ka­utusan na bantayan ang mga kasong isinampa laban sa ilang indibidwal, esblishment o grupo na sinasabing lumabag sa mga probisyon ng batas na may kaugnayan sa Child Labor.

Binigyang-rin ng mandato ang NCACL na mag-report sa Pa­ngulo dalawang beses sa isang taon para iprisinta ang nagawang mga programa para maiwasan at masawata ang Child Labor sa bansa.

 

vuukle comment

CHILD LABOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with