^

Bansa

Hacking sa banking system itinuturing nang heinous crime

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuturing na nga­yong heinous crime ang paggamit ng access devices para makapandaya gaya ng pangha-hack sa sistema ng bangko gayundin ang skimming ng credit at payment cards.

Ito’y matapos na lag­daan ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang Republic Act No. 11449 na magpapataw ng mas ma­bigat na kaparusahan sa itinatakda ng Access Devices Regulation Act of 1998.

Base sa isinasaad ng Section 10G ng batas, may parusang life imprisonment at multa  na maaaring umabot sa limang milyong piso ang ipapataw sa mga sangkot sa pagha-hack ng banking system.

Kaparehong parusa  din ang kakaharapin ng mga nasa skimming o pagkopya ng bank details at pagnakaw ng laman ng hindi bababa sa 50 payment cards, credit cards, debit cards at online banking accounts.

Maihahanay na ang nasabing mga krimen sa economic sabotage.

Samantala, 6  to 20 years imprisonment ang naghihintay sa mga nandaraya ng credit cards at iba pang access devices habang may kaukulang multa rin na doble ng halagang nanakaw mula sa access devices ang itinatakda ng nasabing batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong nakalipas na Agosto 28 subalit kahapon lamang inilabas ang kopya.

 

vuukle comment

HACKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with