^

Bansa

Budget ng Kamara kakapusin sa dami ng deputy speakers at empleyado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahilan sa pagdami ng bagong Deputy Speakers at mga empleyado kaya kukulangin ang budget ng Kamara sa susunod na taon.

Sa pagsalang sa plenary deliberation ng budget proposal ng Kongreso, sinabi ni House Committee on Accounts chairman Bambol Tolentino na kulang ang P14 billion na alokasyon para sa mababang kapulungan sa 2020 kaya dapat itong dagdagan ng P1.6 bilyon.

Paliwanag ni Tolentino, nadagdagan ang deputy speakers, vice chairmen ng mga komite at maging ang mga komite ng Kamara.

Bukod dito ginawa din umano ang budget proposal noong hindi pa nagbobotohan ng speaker kaya hindi pa naikonsidera ang magiging orga­nisasyon ng House leadership at magdadagdag ng mga deputy speakers.

Lumaki rin ang bilang ng mga miyembro ng Kamara bukod pa sa 4,000 empleyado nito kabilang na rito ang mga nasa contractual, permanent status at iba pa.

Katwiran pa ni Tolentino dapat din ipagtanggol ang budget ng Mababang kapulungan tulad ng pagtatanggol nila sa ibang ahensiya ng gobyerno tuwing budget deliberation.

Ngayong 18th Congress ay may 22 bagong deputy speakers ang Kamara.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with