^

Bansa

AFP itinanggi ang Sri Lankan ‘suicide bombers’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
AFP itinanggi ang Sri Lankan �suicide bombers�

MANILA, Philippines — Hindi umano totoo na mayroon nang nakapasok sa bansa na mga Sri Lankan “suicide bombers”.

Ayon kay AFP spokesman Marine Brigadier General Edgard Arevalo, base sa beripikasyon na kanilang nakuha, isang umano’y “suicide bomber” na si Victoria Sophia Sto. Domingo ang nagbigay na ng affidavit sa National Bureau of Investigation- Counter Terrorism Division (NBI-CTD) noong Hulyo 22, 2019 at pinabulaanan na siya, kanyang asawa, ama at bagong silang na sanggol na si Mark Kevin Samhoon ay suicide bombers.

Pinabulaanan din umano nito na ang kanyang ina na si Anarkalie Dulara Palliyaguruge Sto. Domingo ay isang “terrorist financier”.

Lumalabas na away pamilya umano ang akusasyon dito dahil inakusahan sina Sto. Domingo ng kanyang biyenan na si Diosdado Manolette Sto. Domingo  (Diosdado) na terorista at inireport sila sa mga otoridad.

Dahil dito kaya nana­wagan si Arevalo sa publiko na maging mahinahon kasabay ng payo ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. na huwag agad maniwala sa mga unconfirmed reports at impormasyon na naglalabasan mula sa ilang indibidwal o grupo na ang pinagmulan ay mula sa mga unverified sources.

Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa NBI, PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno sa labas at loob ng bansa para mapalakas pa ang intelligence and security posture.

vuukle comment

EDGARD AREVALO

SRI LANKAN “SUICIDE BOMBERS”

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with