^

Bansa

Manila Bay maaari nang languyan bago matapos ang 2019 - DENR

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari nang maligo sa Manila Bay bago matapos ang taon.

Ayon kay Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda, lahat ng paraan ay ginagawa ng national at local government upang maibalik sa publiko ang lugar at makuha ang mga kalat na papunta sa Manila Bay.

Aniya, may mga bulk garbage na dapat ding kunin tulad ng sofa, aparador, troso at bisikleta na nasa ilalim ng ilog.

Nabatid kay Antiporda na magkakaroon pang muli ng massive clean up sa Manila Bay lalo pa’t pansa­mantalang bumagal dahil na rin sa nagdaang halalan.

Minomonitor din nila ang mga establisimyento sa Malate upang malaman kung nagtatapon ang mga ito ng maruming tubig sa Manila Bay.

Anya, limang eco tourism park ang aayusin ng DENR, Department of Tourism at Department of Interior and  Local Government upang maibalik sa dati.

Kabilang dito ang El Nido, Coron, Panglao, Puerto Galera at Siargao.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with