^

Bansa

BDO itinanghal ng BSP bilang commercial bank

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang kinilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang BDO Unibank bilang pinagkakatiwalaang katuwang ng mga overseas Filipinos sa pagpapadala ng kanilang pinaghirapang pera sa mga mahal nila sa buhay sa pamamagitan ng paggawad dito ng “Commercial Bank that Generated the Largest Overseas Filipino Remittances” Award sa katatapos lang na 2019 BSP Stakehol-ders Awards.

Ang matatag na remittance service ng BDO, sa pamamagitan ng BDO Remit, ay isa nang Gold Hall of Fame awardee sa naturang kategorya dahil sa tatlong sunud-sunod nitong pagkakapanalo ng “Commercial Bank that Generated the Largest Overseas Filipino Remittances” Award mula 2013 hanggang 2015. Ang Gold Hall of Fame Award ay ipinagkaloob sa BDO noong 2016.

Ang BDO ay nanalo rin ng kaparehong award noong 2017 (na inanunsyo sa 2018 BSP Stakeholders Awards). Kapag nasungkit muli ng bangko ang award sa susunod na taon, ang BDO ay mag­kakamit ng Diamond Hall of Fame Award na siyang una para sa isang bangkong lokal.

Ang BDO ay tinagurian ding Commercial Bank that Generated the Largest Overseas Filipino Remittances mula 2008 hanggang 2010.

Sa pamamagitan ng remittance arm nito, ang BDO ay nangungu­na sa pagkakaloob sa mga overseas Filipinos ng iba’t ibang pagpipi­lian at pamamaraan para makapagpadala ng pera sa kanilang mga benepisyaryo sa Pilipinas na nakasalalay sa malawak na customer reach nito sa pa­mamagitan ng sarili nitong mga tanggapan at pakikipag-ugnayan sa iba pang remittance companies at financial institutions sa kabuuan ng Asia, North America, at Europe.

vuukle comment

BDO UNIBANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with