^

Bansa

Lindol sa Surigao, 51 katao sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lindol sa Surigao, 51 katao sugatan
Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-4:42 ng madaling araw nang tumama ang tectonic na pagyanig, may limang kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Carrascal, habang ang epicenter nito ay naitala sa northwest ng bayan ng Cortes.
Kuha ni Din Che Teves

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.8 magnitude na lindol ang Surigao del Sur kahapon na ikinasugat ng 51 katao at ikinasira ng ilang tahanan at mga establisimyento sa lugar. 

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-4:42 ng madaling araw nang tumama ang tectonic na pagyanig, may limang kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Carrascal, habang ang epicenter nito ay naitala sa northwest ng bayan ng Cortes.

Naramdaman ang pagyanig sa Carrascal, Butuan City, ilang bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, at Camiguin.

Sa Carmen, Surigao del Sur bumagsak ang bubungan ng isang palengke, habang nagbagsakan din ang bubong na yero ng St. Vincent Ferrer Parish. 

Sa Madrid, ilang residente ang napilitang magtakbuhan palabas ng kanilang tahanan matapos na magkaroon ng mga pinsala ang kanilang mga tahanan.

Ang mga pasyente mula sa Madrid District Hospital ay inilikas, matapos na magkaroon ng crack ang mga pader ng pagamutan.

Bumagsak din umano ang bubong ng isang lumang car park sa natu­rang bayan, na nagdulot ng bahagyang pinsala sa tatlong sasakyang nakaparada doon, at dalawang truck ng bumbero.

Hindi rin naman nakaligtas ang mga taha­nan sa apat pang kalapit na bayan, at napinsala rin maging ang presinto, isang hotel, isang gym, tulay, at maging ang civil defense office sa rehiyon.

Inaasahan naman ng Phivolcs na makapagta­tala ng mga aftershocks matapos ang lindol, kaya’t pinayuhan ang mga residente na maging maingat at alerto.

vuukle comment

5.8 MAGNITUDE NA LINDOL

PHILIPPINE INS­TITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with