^

Bansa

Federalismo malabo na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Federalismo malabo na
Pero ihahain pa rin ni Pimentel na amyendahan ang Konstitusyon at isulong ang Federalismo bilang bagong porma ng gobyerno.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Ipinahiwatig kahapon ni Sen. Koko Pimentel na malabo nang pumasa ang Federalismo sa nalalabing tatlong taon ng termino ni Pangulong Duterte.

Pero ihahain pa rin ni Pimentel na amyendahan ang Konstitusyon at isulong ang Federalismo bilang bagong porma ng gobyerno.

Sa kanyang ihahaing panukala, palalakasin pa ang local government at magkakaroon ng “sharing” ng mga resources.

Mistulang sinopla naman ni Pimentel ang pahayag ni Sen. Ralph Recto na hindi na kailangan amiyendahan ang Konstitusyon para maayos ang gobyerno katulad ng ginagawa ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Pimentel hindi naman para sa paglilinis lamang ang pag-amyenda ng Konstitusyon. 

Sa panukala ni Pimentel nais din umano nitong mabago ang termino ng mga nakaupo sa gobyerno kabilang ang Presidente na magkakaroon na ng dalawang termino pero magiging apat na taon lamang o paiikliin ang isang termino.

Sa kasalukuyan ay umuupo sa loob ng anim na taon ang Presidente ng bansa pero mayroon lamang isang termino.

vuukle comment

FEDERALISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with