^

Bansa

Pag-endorso ni Digong kay Cayetano inangalan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pag-endorso ni Digong kay Cayetano inangalan
Inaasahan kasi ng naturang mga mambabatas na hindi makikialam ang Pangulo sa usapin ng pagpili ng Speaker na tulad ng nauna nitong pahayag.
File Photo

MANILA, Philippines — Inalmahan ng ilang kongresista ang pagbabago ng desisyon ni Pangulong Duterte na nagpasya kamakalawa na iendorsong Speaker ng House of Representatives si Taguig Congressman Alan Peter Cayetano bagaman magiging kahati nito sa termino si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Inaasahan kasi ng naturang mga mambabatas na hindi makikialam ang Pangulo sa usapin ng pagpili ng Speaker na tulad ng nauna nitong pahayag.

Nabatid sa ilang impormante na ginamit umano ni Cayetano ang ilang miyembro ng Gabinete para makumbinsi ang Pangulo na magsalita na sa isyu ng Speaker. At ipinatawag nga kamakalawa sa Malakanyang ang tatlong kandidatong speaker hanggang sa ipahayag ni Duterte na maghahati ng termino sina Cayetano at Velasco habang majority leader si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Tutol din sa desisyon ng Pangulo ang mga anak niyang sina Davao City Mayor Inday Sara at Rep. Paolo na kapwa tutol kay Cayetano.

Sa isang interview, inamin ni Pangulong Duterte na pinilit lang siyang pagsalitain pero ipinaliwanag niya na nasa mga kongresista ang huling desisyon at okay lang sa kanya kung hindi susundin ng mga ito ang kanyang rekomendasyon.

Ipinunto ng Pangulo na ang kanyang ginawa ay bahagi lang ng pagnanais niyang tapusin ang hindi pagkakasundo at wakasan na ang mga tanong mismo ng mga kongresista sa kung sino ba talaga ang i-eendorso niya.

Sa kabilang dako, sinabi ni Mayor Sara na hindi maganda ang term sharing at pababagalin lamang ang pangkalahatang transaksyon sa Kamara at maapektuhan ang isinusulong na legislative agenda ng pamahalaan at ng kanyang amang si President Duterte. 

Ayon kay Inday Sara, “counterproductive” at mauwi lamang sa balimbingan at trayduran ng mga magkakaalyado. Kaya nanawagan siya ngayon sa lahat ng mga Congressmen na bumoto ayon sa kanilang kagustuhan.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with