^

Bansa

Pagpayag ni Duterte na makapangisda ang China sa WPS labag sa Konstitusyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagpayag ni Duterte na makapangisda ang China sa WPS labag sa Konstitusyon
Ipinunto nina Senators Francis Pangilinan at Panfilo Lacson ang nakasaad sa Article XII, Section 2 ng Saligang Batas na puwedeng pumasok sa kasunduan ang Pangulo pero hindi ukol sa mga yamang-mineral o yamang dagat.

MANILA, Philippines — Malalabag ang Konstitusyon kung tahasang papayagan ang China na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ipinunto nina Senators Francis Pangilinan at  Panfilo Lacson ang nakasaad sa Article XII, Section 2 ng Saligang Batas na puwedeng pumasok sa kasunduan ang Pangulo pero hindi ukol sa mga yamang-mineral o yamang dagat.

Partikular din aniya ang nakasaad sa Konstitus­yon na ang mga yamang-mineral at yamang dagat ay nakareserba para sa eksklusibong paggamit ng mga mamamayang Filipino.

“Ang ginamit pang kataga sa ating Saligang Batas ay “reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens,” sabi ni Pangilinan.

Ang Recto Bank aniya ay bahagi ng EEZ ng Pilipinas kaya hindi dapat payagan ang pangingisda ng China.

Sinabi naman ni Lacson na wala ang salitang “friends” sa Article XII Section 2 ng Saligang Batas na nagsasabing dapat protektahan ng gobyerno ang marine wealth. 

Nauna rito napaulat na sinabi ng Malacañang na kaibigan ng Pilipinas ang China kaya maaaring payagang mangisda kahit pa sa EEZ ng bansa.

vuukle comment

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

FRANCIS PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with