^

Bansa

12-17 oras na walang tubig ipapatupad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
12-17 oras na walang tubig ipapatupad
File photo ng Angat Dam.
Kuha ni KJ Rosales

Water level sa Angat Dam bumaba pa sa critical level

MANILA, Philippines — Magpapatupad ulit ang Manila Water ng  panibagong schedule ng ‘rotational water service interruptions’ sa buong East Zone na tatagal nang mula 12 hanggang 17 oras bawat araw.

Ang mga ‘service in­terruptions’ na ito ay ginagawa para maipamahagi ang limitadong suplay ng tubig sa lahat ng mga customers upang mabigyan ang lahat ng pagkakataon na makapag-ipon ng tubig araw-araw.

Isinagawa ang naturang hakbang dahil sa nakitang lalong hihina at patuloy na makakaranas ng pagkawala ng suplay ng tubig ang maraming residente ng Metro Manila.

Ito ay dahil binawasang muli ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at sa conce­sio­naires na Maynilad at Manila Water ng 4 cubic meters per se­cond (CMS) mula 40 CMS pababa hanggang 36 CMS.

Ayon sa NWRB, ibi­naba ang water allocations sa mga nabanggit bunsod ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na mas mababa na sa critical level na 160 meters kahapon, Sabado, Hunyo 22, 2019. Ang 4 CMS na ibabawas ay katumbas ng konsumo ng halos 700,000 na katao kada araw.

Bagama’t ang ba­gong  schedule ng mga interruption ay nagsi­mula na kahapon Hunyo 22, kinakaila­ngan pa ng mga tatlong (3) araw pag­ka­tapos ng pagbabawas ng alokasyon bago tulu­yang maisaayos ang operasyon para makamit ang tamang schedule  sa ‘pagtitimpla’ o  pagbabalanse ng distribusyon ng limitadong suplay ng tubig sa kabuuan ng East Zone.

 Ang ‘rotational water service interruption’ ay mananatili hanggang makabawi ang water level ng tubig sa Angat Dam.

Kahapon, Sabado, ang Angat Dam ay lumampas na sa critical level na 160 meters. Ang water level ng Angat Dam kahapon ay umaabot sa 159.78 meters kahapon ng umaga  na mababa sa 160.28 meters noong Biyernes ng umaga.

vuukle comment

MANILA WATER

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with